Written by Isang Alipin.
Read this in Tagalog or English.
Note ng Author
Ito ay niwrite ko para bigyan liwanag sa egoism ni Max Stirner para sa mga individuals that live sa so-called “Philippines,” but puwede rin for any individual na interested kahit saan man sila nakatira. Para sa whoever na bumabasa nito: gusto kong iinform sayo na ito ay nagcocontain ng aking interpretation sa egoism ni Stirner at aking mga views at the time of writing; however, sana ang aking interpretation and views ay magamit niyo.
Ang Archipelago ay minumulto!
Sa archipelago na tinatawag na “Philippines” ay tinitirahan ng maraming mga Ghost! Ang mga ghost na’to ay sa bawat corner hinahaunt ang mga tao na nakatira sa archipelago…where ba mahahanap ang mga ghosts na’to kamo? Nasa iyong mind! Ano nga ba ang mga ghosts na’to? Sama-sama nating ifind out…
Mga Spooks
Currently, maraming nahahaunt sa mga concepts like religion, state, authority, morality, nationalism, God, law, rights, duty, patriarchy and kung ano-ano pang mga concepts na trinitreat nilang mas higher than their selves—mga concepts na they think they have an obligation talaga para iobey—mga sacred na concepts.
Ang mga tao na napossess ng mga ghosts na’to, na tinatawag ding “spook,” ay gumagawa ng mga bagay para maserve ang cause ng spook; example na lamang ang isang tao that believes na may obligation siya at ng ibang tao na ifollow ang law, because of this, slave siya ng law because ang cause ng law ay iconvince ka na obligation mo iobey ang kanyang command. Because of this, ang police ay nireregard as the servants ng law that you need to obey. If hindi mo inobey, may right daw ang police na iarrest ka or even kill you in the name of the law. It could be naman na tingin ng police they were only doing their job because duty niya daw na ifulfill ang law. Naku! Ang individual na’to ay pinupossess! If ang police na’to ay nakabaril, bakit ibleblame ang concept na tinatawag na “duty” na ang reason daw why nakabaril siya kung siya naman ang may hawak ng gun? Ang concept ng “duty” ba ang nagpull ng trigger o ang police? Tao ang nakabaril, hindi ang concept na “duty.” Ang duty ay spook lamang and nothing else! Bakit mo ibleblame ang mga bagay na hindi totoo like ghosts? Pinupossess ng mga spook na’to ang mga tao para gawin ang cause ng spook, pero ang mga spook na’to are only in their mind and di talaga totoo—because kahit it looks like they are doing things para iserve ang cause ng spook, sa katotohanan they are doing these for their selves and hindi naman talaga sila pinupossess because wala namang ghost na puwedeng ipossess sila. Pero kahit imagination lang ang mga spook na’to, dahil sa beliefs ng mga tao na may ghost talaga, nagiging parang totoo nga na nandiyan sila. Because sa belief ng mga tao, ang mga spooks na ito ay nakakaaffect sa kanilang buhay at maaari rin the lives of others. Ang apparition na hindi natatouch ay may ability na makaaffect sa mga natatouch!
Magaling magdeceive ang mga spook. Ang concept ng promise ay example ng skilled na nagdedeceive na spook—because sa una—it looks like hindi siya spook, pero don’t be fooled! Yan ay spook din! Ang mga promises ay ginigive ka ng obligation para iobey ang past self mo, gusto niyang ibind ka sa mga wishes ng past self mo—gusto niya itreat mo ang mga desires ng past self mo na mas higher kaysa sayo, gusto niya gawing sacred ang desire ng past self mo. Ang mga promises ay ineenslave ka na gawin ang commands ng past self mo. Pero if dati nagpakatanga ka na gustuhin gawin yun, bakit ka magpapakatanga again if you know naman na ayaw mo na gawin yun? Yan ang spook known as promise, isa nanamang sacred concept. Ang obligation ay sacred—something na inviolable daw—something na trinitreat ng individual bilang mas higher kaysa sa self niya. Since walang power na above sayo, since walang sacred, walang mga obligations. Ang mga obligations ay hindi real; alisin mo ang mga imaginary shackles! Wag ka magpafool sa utang na loob. Wala kang utang to anyone! Including ang self mo.
Ang spook ay isa talagang magaling na trickster, icoconvince ka na you are doing things hindi para sayo, pero para for its cause. Aba! Talaga? Yun ba talaga ang reason kung bakit ginagawa mo ang mga bagay na ginagawa mo? Talaga ba na hindi mo ginagawa ang mga bagay for your own sake? Even if sabihin mo na inorder lang naman sayo, hindi ba you are the only one na puwedeng magdecide kung ifofollow mo o hindi ifofollow ang inorder sayo? Hindi ba ginawa mo yun because may gusto o ayaw kang mangyari? Ang mga orders ay sacred; ito ay spook. In the end ikaw ang nagdecide what you will do because concern ka sa ano ang mas beneficial to you, because ikaw ay selfish.
Ang Selfish
Walang Diyos, pero pretend na mayroon. Si God—like ikaw—ay also selfish. Si God ay kinoconcern lamang ang kanyang self sa kanyang cause. Si God ay walang pakialam about anything else except sa kanyang sariling desire. Ang state ay selfish, like God, ang state ay kinoconcern lamang ang kanyang self sa kanyang cause; ang state ay may pakialam lang sa mga things na sa tingin nito ay makakahelp sa kanyang cause. Si God at ang state for many people ay mas higher kaysa sa kanilang sarili; because of this belief ng tao kay God at sa state, naconvince nila ang kanilang sarili na iserve ang cause ni God at ng state. Pero look, si God and the state ay kinoconcern lamang ang kanilang sarili with their desires only, why not matuto ka sa kanila and do what they do? Maging selfish. Walang mga gods! Walang mga slaves! Bakit mo iseserve ang mga selfish kung puwede namang ikaw ang maging selfish?
Ang Conscious at Di-conscious na Egoist
Since lahat ng selfish ay always sinusupport ang wants ng kanilang sarili, puwede natin silang tawaging egoist. Egoist naman na tayong lahat, pero may egoist na aware na egoist sila at may egoist na di-aware na egoist sila. Ang egoist na aware na egoist siya ay ang egoist na alam niya na selfish siya—they know na lahat ng ginagawa niya ay for their self at yun na yun—while ang egoist na di-aware na egoist siya ay ang egoist na di-alam na lahat ng ginagawa niya ay selfish. But paano naman tayo lahat naging selfish? Wala bang individual na unselfish? Hindi ba ang pagsasacrifice ng sariling buhay para makasave ng iba ay di-selfish? Hindi nga di-selfish ang pagsasacrifice ng sariling life para makasave ng iba, why kamo? Kung magpepay attention ka sa mga individuals na sinasacrifice ang kanilang buhay para makasave ng iba, ginagawa nila iyun for their own desires; maybe they did that para tignan siya as a “good” individual ng ibang mga tao, maybe they did that para isave niya ang taong ayaw niyang maharm, maybe they did that because ayaw na niyang mabuhay, maybe they did that because they think na iprepraise siya ng kanyang country, o maybe they did that because they think na makakareceive siya ng reward sa kanyang god. Whatever reason man yun, sinacrifice niya ang self niya because yun yung kanyang dinesire, and because ginawa niya yun para mafulfill ang kanyang personal desire—siya ay matatawag na selfish. How about naman yung mga generous na tao? Selfish din ba sila? Yes naman! If ang kanilang interest ay ang maggive ng maggive, selfish sila because sariling interest pa rin ang kanilang gustong ifulfill. Iniisip mo ba ang situation ng ibang tao? Ikaw ay selfish! Nagfefeed ka ba ng iyong mga kids? Ikaw ay selfish! Pinut mo ba sa danger ang iyong self para sa benefit ng iba? Ikaw ay selfish! Because yun yung interest mo. Iaccept mo man na selfish ka o hindi, nasa sayo yun, ang answer mo rin ay selfish!
Moralidad
Ano ang mabuti at ano ang masama? Walang morality. Walang moral o immoral. Ang individual ay may mga things na want niya mangyari, mga things na want niya hindi mangyari, at mga things na want niya wala siyang pake—in short—ang individual ay may mga wants. Ang individual ay may things na gusto, mga things na ayaw at mga things na wala siyang pakialam. Ang mga things na’to ay hindi good or bad pagdating sa morality, pero ito ay good kung sa tingin ng individual ay mabebenefit siya nito at bad kung tingin ng individual ay makakaharm sa kanyang mga self-interests. Ang moralidad ay nagseserve as pangconstraint sa mga individuals na nagoobey dito, because dinidictate nito what they can and cannot do. Ang killing ay hindi immoral or moral, ang pagtake ng mga things sa iba ay hindi rin immoral or moral. At since walang morality, walang morally right at walang morally wrong. Nasa individual kung ano ang tingin niya ang good or bad for them. Gusto ba ng isang individual maghelp sa ibang mga individuals? Puwede siyang maghelp if that’s what they want, pero hindi siya magiging moral o immoral dahil sa kanyang ginawa. Whatever action na ginawa ng isang individual, kung marami may gusto o ayaw sa ginawa ng isang individual, nasa kanila na kung ano ang gagawin nila bilang reaction. Don’t fall para sa Christian delusion! Walang mga sinners! Patayin mo ang police na nasa head mo! Ang police na kinacall nating conscience. Ang sa tingin mong good ay maaaring sa tingin ng iba ay bad. Walang moral or immoral na gawain; mayroon mga desirable na gawain, undesirable na gawain, at gawain na you don’t care about—lahat ng ito ikaw ang magdedecide for yourself. Ang individual ay ang nagdedecide kung ano ang bad at kung ano ang good, kung ano ang pleasant at unpleasant, kung ano ang desirable at undesirable para sa kanya.
Freedom
Hindi ako against sa freedom, pero I want lang to ask—ano ang gusto mo maging free from? Ano ang gusto mo maget rid of? Want mo ba maging free sa lahat ng bagay na naggigive sayo ng happiness? Want mo ba maging free sa love? Free sa buhay? Free sa lahat ng bagay? Free sa sarili? How ka magiging free sa hunger at free rin sa mga things na nagpreprevent sayo maging hungry ng sabay? If gusto mo ng freedom from everything, impossible ang gusto mo, ang gusto mo ay spook—hindi puwede na free ka from life at free ka rin sa pagiging hindi alive ng sabay. And kapag naging free ka nga sa life, can you really say na malaya ka kung wala naman nang you? How can you be malaya kung walang you? So when nagsasay ka na gusto mo maging malaya, ang want mo ay hindi ang whole ng freedom kundi part lang nito because hindi ka puwedeng maging malaya from everything. If gusto mo maging malaya from abuse, you don’t mean na gusto mo free ka rin sa mga things na naghehelp sayo para hindi ka maabuse. Kung want mo mahalin ka ng iba, ang pagiging hindi free from love ay nakakabenefit sayo. In this case, ang pagiging unfree ay ang gusto mo, pagiging unfree from love.
But baka naman what you mean sa freedom ay pagiging malaya na maget ang isang thing. If ganoon, ang question ko now sayo ay ano ang silbi ng freedom para sayo if hindi mo naman gagamitin para itake ang thing na want mo? Ano ang use ng pagiging free na makakuha ng tinapay kung wala kang tinapay? Ano ang silbi ng pagiging free makapunta sa other places kung wala ka namang intention to go to other places? Being free to have something ay hindi the same as having that thing na yun. Bakit mo gusto makakuha ng useless permission like freedom that brings you nothing? If gusto mo ng freedom para makakuha ng isang thing, ang want mo actually is maging yours ang bagay na yun—want mo maging owner.
Property
Ang ownness ay ang description ng owner. Ang iyong ownness ay ang everything that you are. Ang ownness ay egoism. Ikaw ang owner sa iyong sarili and always ikaw ang owner sa iyong sarili. Ang iyong property ay ang iyong power, at ang iyong power ang naggigive sayo ng mga property. Ikaw ang iyong power because only ikaw ang may ability na itake and idefend ang iyong property. Ikaw ang iyong property. Your property na natake away sayo is not yours anymore until itake mo again, because whoever ang may ability na itake at idefend ang isang bagay ay siya ang nagoown ng bagay na yun.
Kahit legal or illegal ang iyong property, if natake away sayo yan, bakit mo sasabihin na that thing is yours kung wala naman sayo yung bagay na sinasabi mong “yours”? If wala kang control sa bagay na yun is it really yours? Bakit mo iniinsist sabihin na sayo yung thing na yun if wala ka namang control sa thing na yun? Ang bagay na yun will only be yours if kaya mo itake and idefend. Ano ngayon if ikaw ang “legal” na owner if wala kang control sa thing na sinasabi mong your “legal” property; if ikaw ay owner ng something—it is yours hindi because ikaw ang “legal” na owner, rather, it is yours because ikaw ang current na may power over sa thing na yun until itake away sayo ng iba. If may individual na nagtake ng iyong property—hindi siya thief, but rather siya ang new current owner ng iyong former property. Ang theft ay ang pagtake ng property ng iba so paano siya naging theft kung ang tinake ng tao na yun sayo ay hindi mo naman na property, but rather their property na because siya ang may current power over sa thing na tinake niya sayo? Ang legality ay fiction. Ang iyong mga experiences ay your own, kahit ibeat up ka nila, ang experience mo while strinastrike ka gamit ang kanilang mga fists—sa moment in time na yun—ay ang sarili mong suffering and never mapapasakanila yun because they are not you and never sila puwedeng maging ikaw. Ang legality or money ay hindi ang magdedecide kung what is yours and what is not yours, but rather, ang magdedecide ay ang ability mo na imaintain na sayo ang isang bagay using your own power. Whether gamitin mo ang iyong power para magdeceive, magpersuade, maghurt, maglove, o whatever it is para makuha mo kung ano gusto mo, nasa sayo na yun.
Ikaw ang nagdedecide kung ano ang valuable sayo. Ang iyong mga desires ay iyong property—iyong object—you are not there para sa kanila, kundi, they are there para sayo. Ang selfish love is the love na nandiyan for you, ito ay iyong property—unlike romantic love na nandiyan ka for it. Selfish ang love—maraming gusto maglove; maraming gustong makaexperience ng love. Ang love ay isang selfish na desire—masarap sa feeling. If ang love mo ay selfish, yan ay love na real. If you love selfishly, inaadmit mo na naglolove ka because gusto mo—inaadmit mo na naglolove ka because yun ang nagpapasaya sa iyong sarili. Naglolove ka ng ibang tao because you like them, you want to take care of them, gusto mo silang gawin happy, gusto mo sila iprotect—gusto mo maglove because yun ang iyong interest; this is how you love selfishly: naglolove ka because yun yung kagustuhan mo, you love dahil gusto mo maglove.
Like things na minamanipulate mo—o ginagamit—for your interest, minamanipulate mo rin ang mga tao around you for your interest; may mga things that can become obstacles sa iyong interest, and like things, may mga tao na puwede rin maging obstacle sa iyong interest. Like things, ang mga tao ay puwede mong gawin iyong property rin for your own interests—hindi mga slaves kundi mga tools o mga objects for your own interests—how mo sila gagamitin and for saan mo sila gagamitin ay nasa sayo; however, like using a blade, if you’re not careful puwede ka maharm.
Samahan ng mga Egoists
Ano ang samahan ng mga egoists? Ito ay isang name para magrefer sa isang relationship in which may mga individuals na nagdecide na magsama para gawin ang kanilang mga interests. Let us say na may two kids na nagpleplay ng taguan. These two kids na’to currently ay nasa isang samahan ng mga egoists—these two kids na’to ay nagsama para ma-use nila ang isa’t isa to do what they want na magplay ng taguan because yun ang kanilang interest. Tignan natin ang mga scientists na gumugawa ng research para maunderstand ang nature. Sila ay nagsama para magtulungan sila na maachieve ang kanilang desire; dahil dito, nakacreate sila ng isang samahan ng mga egoists. Isa pang example ng samahan ng mga egoists ay ang magkashota na naglolove sa isa’t–isa, ang magkashota ay ginagamit ang isa’t-isa for their own pleasure to make each other masaya. Nafoform ang samahan ng mga egoists kapag ang mga individuals ay nagsama para maachieve ang kanilang mga desires; kapag wala ng use ang individual para magsama, ito ay hindi na tinatawag na samahan ng mga egoists.
Ang Unique
Walang word ang makakadetermine sayo, like ikaw walang word ang makakadetermine sa Unique. Magthink tayo ng individual na may name na “Alex.” Si Alex ay tao, pero ang pagiging tao ni Alex ay isang portion lang of what they are. Ang tao na body ni Alex ay isang part lang ni Alex, pero hindi ito si Alex because si Alex ay more than their body. Ang pagiging smart ni Alex ay isa sa kanyang mga attributes, pero hindi kailangan ni Alex maging smart para maging Alex; ang name na “Alex” is also not Alex because name lang ito, at ginagamit lang natin ito para magrefer to them because walang word na makakadetermine kay Alex, because Alex is Unique. Like the name Alex, ang Unique ay isang name lamang to refer to what can’t be determined using words—because ang Unique, like ikaw, ay always nagchachange at cannot be determined. Ikaw ay always nagchachange; ang current ikaw ay hindi na ang past ikaw, because ang past ikaw is no longer ikaw—because ikaw ang current ikaw, until ang current ikaw ay hindi na ang current ikaw. Walang thing ang puwedeng maging ikaw except ikaw lamang. Ikaw ay—Unique.
Ang Creative Nothing
You are nothing—hindi nothing in the sense na emptiness, but rather you are nothing because walang word or concept ang puwedeng magdetermine sayo. Ang mga concept or words ay hindi ikaw, because ikaw ay ikaw at hindi word or concept; ang word na “tao” is only used para idescribe ka, pero hindi ikaw ang word na “tao.” Ikaw ay ang creative nothing; sa iyong nothing ay krinicreate mo everything. Ikaw ang nagcrecreate sa self mo conceptually. Always mo ginagawa ang self mo sa iyong nothing; ikaw ang creator at destroyer ng mga concepts na ginagamit mo para idescribe ang sarili mo. Pagdestroy at pagcreate! Ang joy ng chaos! Kinoconsume mo ang old self mo para macreate mo ang new self mo sa kada moment, constantly na kinoconsume at krinicreate ang iyong self sa process. Ginagamit mo ang iyong sarili para macreate mo ang iyong sarili; ikaw ay creator at creature. Because of this, ikaw ay creative. Ikaw rin ay nothing, ikaw ay ang creative nothing.
Autoridad
Imagine mo na one day individuals gain awareness sa kanilang pagkaselfish, what will happen na kaya if naunderstand ng mga individuals na ang concept ng authority is not real at naging conscious sila sa kanilang power? Naging conscious na they can use their power para gawin nila ang kanilang mga gusto, para mafree ang self sa mga concepts na finufool tayo—mga concepts na gusto ideny tayo sa ating mga sarili? Walang ruler, anarki—since wala namang mga ruler nung una palang. Kapag may ruler, may nirurule, Pero how ka magrurule kung never naging totoo ang authority nung start palang? Walang ruler ang egoist because hindi possible irule ang selfish. You may influence them, pero never mo puwede silang irule; ang selfish ay always gagawa ng mga things for their sake, para sa kanyang sariling mga interests, para sa kanyang self above all.
Hayaang bumagsak lahat ng mga governments. Ang mga capitalists ay nagdedepend sa authority ng state para iprotect ang kanilang legal na property para magamit nila ang mga tao for their own desire, ang state naman ay nagdedepend sa mga tao na kanilang sinasakupan na irespect ang kanilang authority. Pero what will happen na if ang dinedepend nilang authority para magobey ang mga individuals sa kanila ay hindi na nirerespect ng mga individuals? What will happen na if ang kanilang concept ng authority ay inexpose for what it is? Isang lie.
Ang pagfall ng state and capitalism, ang pagfall ng hierarchy, ang pagrecognize ng mga individuals sa kanilang power bilang selfish na tao, insurrection—ay ang mangyayari kapag narealize ng mga individuals kung ano talaga ang authority. When may right, may obligation para magcomply. Ang mga rights ay sacred; ang mga bagay na sacred ay lie. Therefore, ang mga rights ay lie; and so ang right para maobey, which tinatawag na authority, ay lie rin.
Hello sa mga nagseseek ng freedom. Unleash chaos para madestroy ang sacred order! Walang rights, mga interests lang. If gusto mo maging free, wala kang right maging free, and wala rin right ang ibang mga individuals na ioppress ka. If may gusto o ayaw ka, ikaw na bahala kung paano mo yun gagawan ng way. Maging brave. Ang freedom ay hindi karapatan, ang kalayaan ay for those na kayang itake ito!
Ikaw
Hello egoista! Lahat ng ginagawa mo ay personal, since life is personal. Ang life mo ay about sayo, and ito ay yours.
Hayaan mo bumagsak lahat ng sacred! Hindi ka slave! Ikaw ay egoist! Ang world ay yours!
Ikaw ang perfect na ikaw! Because no one else can be you kundi ikaw lamang, and dahil diyan, ikaw ay perfect! You may not be perfect sa ibang bagay, pero ikaw lang ang perpektong maging ikaw and no one else. Even if magbago ka, ang current you ay you pa rin. Ikaw ay ikaw and nothing else. You can only be yourself, dahil sa bawat moment, yan lang ang kaya mong maging—and hindi mo na kailangan maging anything more. Ikaw ay everything to yourself and you do everything for your sake. Balakajan.