Ito ay isang sipi mula sa aklat What is Communist Anarchism? ni Alexander Berkman, at tinagalog nito ni Mindsetbreaker Press. Inilathala namin ito sa Bandilang Itim para sa kahalagahan nito sa mga anarkisista sa kapuluan.
Sino ang repormer, at ano ang nais niyang ipanukala?
Nais ng repormer ang “makapagpabago at makapagpabuti.” Hindi siya sigurado kung ano ba talaga ang nais niyang baguhin minsan ay sasabihin niya na ang mga tao ay masasama at sila mismo ang nais niyang baguhin; at minsan nama’y ang ibig sabihin niya nito ay “mapabuti” ang kalagayan
Hindi siya naniniwala sa lubos na pagbuwag nito.
Para sa kanya ang gawin ang isang bagay na bulok na “ay masyadong radikal sa kanya.”
Sa langit nawa, babala niya sa iyo, huwag masyadong magmadali.
Nais niyang baguhin ang mga bagay unti-unti, dahan-dahan.
Ipagpalagay na natin ang digmaan halimbawa: Ang digmaan, ay masama, Siyempre, Pag-amin ng repormer.
Ito ay pakyawan na pagpatay, isang dungis sa ating kabihasnan. Subalit, na buwagin ito? Naku hindi, Nais niyang ireporma ito.
Halimbawa nais niyang limitahan ang mga armas pang-giyena. Kapag mababa na ang armas, sabi niya, kaunting tao na lang ang ating papatayin. Ibig niyang gawing makatao ang digmaan, upang gawing desente ang pagpatay, sa madaling salita.
Kung isasagawa mo ang kanyang opinyon sa iyong personal na buhay, wala kang, bulok na ngipin, na binunot lahat sa isang beses dahil sa ito’y masyadong masakit. Ang nais niya, ay bunutin ito kaunti ngayon, ang iba’y sa susunod na linggo naman, sa susunod na buwan at taon, at hanggang sa dumating ang araw na ang lahat ay pwede mong bunuţin upang ang kirot ay hindi na masyadong masakit.
Iyan ang lohika ng isang repormer. Huwag masyadong magmadali, huwag bunutin ang kumikirot na ngipin isang beses sabay-sabay.
Iniisip ng repormer na maaari niyang baguhin ang mga tao sa pamamagitan ng batas. Ipasa ang bagong batas, sabi niya tuwing may makikita siyang mali pilitin ang mga bata maging mabuti.
Nakalimutan niya na sa daan daan at maging libu-libong taon ang nakalipas ay ginawa ang batas upang pilitin ang mga tao na maging mabuti. Subalit kung ano ang pag-uugali ng tao ito ay nananatiling likas sa kanya.
Napakarami na nating batas na kahit ang isang tanyag na abogado sa Philadelphia ay nawawala na sa pagkalito. Ang ordinaryong tao ay hindi na maaaring magsabi kung ano ang tama at mali naka-ayon sa batas, kung ano ang makatarungan, kung ano ang totoo o hindi totoo.
Ang isang espesyal na klase ng tao mga hukom, ang nagpapasya kung ano ang tapat at hindi tapat, kapag ito;y pinahintulutan na magnakaw at kung sa anong paraan, kapag ang pandaraya ay ligal at kapag ito ay hindi, kapag ang pagpatay ay tama at kapag ito ay isang krimen; kung saan ang uniporme ang nagbibigay sa iyo ng karapatan na pumatay at kung saan ito ay hindi.
Marami pang batas ang kinaktilatigan upang matukoy ang lahat nang ito, at sa napakaraming nagdaang siglo ang mambabatas ay abala sa paggawa ng mga batas (sa mataas na sahod) at maging sa ngayon ay kailangan pa rin namin nang maraming batas, sa kadahilanangi ang iba pang mga batas ay nabigo upang gawin kang mabuti.
Gayunpaman, ang mambabatas ay patuloy pa rin na pinipilit ang mga tao na gawin silang mabuti. Kung ang umiiral na batas ay hindi nakapagpabago sa iyo, sabi niya; samakatuwid kailangan namin ng karagdagang batas at iyan ay mas malupit.
Kung mabigat ang sentensya, maiiwasan at mapapaunti ang krimen, sabi niya, habang siya’y umaapela sa ngalan ng kanyang reporma paroon sa mga tunay na tao na ninakaw ang lahat ng yaman galing sa mga tao.
Kung ang isang tao ay nakapatay ng iba dahil sa tunggalian sa negosyo, dahil sa pera o sa iba pang mga bentahe; hindi aaminin ng repormer na dahil sa pagkapukaw sa paghahanap ng pera ang pinakamasamang hilig ng tao kung kaya’t sila’y nauudyok sa krimen at pagpatay.
Siya’y mangangatwiran na ang sadyang pagkitil ng buhay ng tao ay nararapat na mabigyan ng parusang kamatayan at siya’y walang pagaalinlangan na tutulong sa gobyerno upang maghatid ng sandatahang lakas sa ibang bansa upang lumikha ng pakyawan na pagpatay doon.
Ang repormer ay hindi nakapagiisip ng tuwid. Hindi niya nauunawaan na kapag ang tao ay kumilos ng masama ito ay dahil sa tingin nila ay nasa kanila ang bentahe sa paggawa nito.
Sabi ng repormer na ang isang bagong batas ang makapagpabago sa lahat ng iyan.
Siya ay ipinanganak na isang taong nagbabawal. Nais niyang bawalan ang mga tao sa pagiging masama.
Kung ang isang tao ay nawalan ng trabaho, halimbawa, at nakaramdam ng pagkalungkot nito, at naglasing upang kalimutan ang kanyang problema, ang repormer ay hindi magiisip upang tulungan ang tao na makahanap ng trabaho. Iniisip niya na mababago ka niya sa painamagitan ng paghugot niya sa iyo palabas sa inuman tungo sa bodega kung saan ikaw ay palihim na nasisinagan ng buwan sa sobrang kalungkutan sa halip na ikaw ay malayang uminom.
Sa parehong paraan na nais ka niyang baguhin sa kung ano ang kinakain at ginagawa mo, kung ano ang iyong iniisip at nadarama.
Itinatanggi niyang makita na ang kanyang “reporma” ay lumilikha nang mais masahol pa na kasamaan kaysa dun sa mga tao na kanilang pinipigilan; at na sila ay sanhi ng higit pa’ng katiwalian, masamang pag-uugali at paglilinlang.
Siya’y magbubuo ng isang pangkat ng mga tao upang magmatyag sa iba, kanyang iniisip na “napapaangat niya ang pamantayan ng moralidad”; siya’y magpapanggap na napagbago ka niya sa pamamagitan ng pagudyok niya sa iyo na maging ipokrito.
Hindi ko ibig sabihin na ikulong ka ng matagal sa isang repormer. Kikilalanin natin siya-ulit-bilang isang pulitiko. Sa hindi pagnanais na maging marahas sa kanya maaari kung sabihin ng deretsahan na kapag ang repormer ay tapat siya ay isang tuso, kapag siya ay isang pulitiko siya, ay isang mandaraya. Sa, alin mang kaso, sa nakikita natin ngayon, siya ay hindi nakakalulutas sa ating problema kung paano gawin ang mundo ng isang magandang lugar upang tayo’y mabuhay.
Ang pulitiko ay pinsang-buo ng repormer. Ipasa ang isang bagong-batas, sabi ng repormer, at pilitin ang tao na maging mabuti. Pabayaan mo na ipasa ko ang batas, sabi ng pulitiko, at ang mga bagay-bagay ay magiging mabuti.
Matutukoy mo ang isang pulitiko sa pamamagitan ng kanyang salita. Sa maraming kaso, siya ay isang mapagsamantala na nagnanais na umakyat sa iyong balikat patungo sa kapangyarihan. Kapag andun na siya nakakalimutan na niya ang kanyang itinakdang pangako at nagiisip lamang sa kanyang sariling ambisyon at interes.
Kapag ang isang pulitiko ay tapat, ikaw ay kanyang nililinlang hindi bababa kaysa isang taong mapagsamantala. Marahil na mas masahol pa, dahil ibinigay mo ang iyong tiwala sa kanya at siya ang mas lalong nalulungkot kapag siya ay nabigo na gawin ang sa tingin niya’y makapagpabuti sa iyo.
Ang repormer at ang pulitiko ay parehong na sa maling kinaroroonan.
Upang subukang baguhin ang mga tao sa pamamagitan ng batas ay katulad na sinubukan mong baguhin ang iyong mukha sa pamamagitan ng paggamit ng isang bagong salamin.
Sapagkat ang tao ay gumagawa ng batas, hindi batas ay tao. Ang batas ay tumatanaw sa tao sa pagiging sila, kagaya ng salamin na naglalarawan sa iyong katangian.
Subalit ang batas ang makakapigil sa mga tao sa pagiging kriminal; giit ng repormer at pulitiko.
Kung iyan man ay totoo, kung ang batas ay tunay na nakapagpipigil sa krimen, samakatuwid, mahusay na magkaroon ng maraming mga batas. Sa oras na dumating ang araw na naipasa na natin ang sapat na mga batas ay hindi na magkakaroon ng marami pang krimen.
Kung gayon, bakit ka tumatawa?
Dahil alam mo na ito ay isang kalokohan, alam mo na ang maaari lamang gawin ng batas ay parusahan ang krimen, hindi pigilan ito.
Darating pa ang oras kung saan maaaring basahin ng batas ang isipan ng tao at sa pamamagitan niyan ay matutuklasan ng batas ang tangka ng isang tao na gumawa ng krimen, baka sa gayon ay maaari niyang pigilan ito.
Subalit sa ganyang kaso, ang batas ay hindi na magkakaroon ng mga pulis upang pigilan ang krimen, dahil sila mismo ang makukulong. At kung ang administrador ng batas ay magiging tapat at walang kinikilingan, hindi na magkakaroon ng sinumang mga hukom ni mambabatas, dahil kinakailangan nilang panatilihin ang hanay ng mga pulis.
Subalit isa itotoo, basi sa mga bagay na kinakaharap natin ngayon, paano mapipigilan ng batas ang krimen?
Ito’y maaaring mangyari kung aning intensiyon sa paggawa ng krimen ay inihahayag o kung sa ano mang paraan na ito’y malalaman. Subalit ang nasabing kaso ay lubhang bihira. Wala ni isang tao ang mag-aanunsyo sa kanyang kriminal ng mga plano,
Samakatuwid, ito ay nagpapatunay na ang batas ang pumipigil sa krimen ay lubos na walang batayan. Subalit ang takot sa parusa, pagdadahilan mo. Hindi ba nito maiiwasan ang krimen?
Kung ganoon man, ang krimen ay nahinto na matagal na panahon ang nakalipas, dahil sigurado ay naisagawa na nila ang sapat na parusa ang buong karanasan ng sangkatauhan ay pinasinungalingan ang ideya na ang kaparusahan ang siyang pipigil sa krimen.
Salungat nito ito’y napatotohanan na kahit ang pinakamatinding parusa ay hindi nakapaghahatid ng takot sa tao upang umiwas sa krimen.
Ang England, pati na rin ang ibang mga bansa, ay nagpaparusa hindi lamang sa pagpatay kundi iilan pang mabababang krimen na kaugnay dito ang parusang kamatayan. Ngunit hindi pa rin ito pumipigil sa iba sa paggawa ng katulad na krimen.
Ang mga tao’y nung una’y pinaparusahan sa harap ng publiko sa pamamagitan ng pagbibitin, pagagarote, sa pamamaraan ng gilotina upang magbigay inspirasyon gisa, mas pinakamatinding takot. Gayunpaman, kahit ang pinakanakakatakot na parusa ay nabigo upang maiwasan at mahinto ang krimen.
Napag-alaman na ang pampublikong eksekusyon ay nakapagdudulot ng matinding epekto sa taon at may mga kaso rin na naitala, kung saan ang mga tao na nakasaksi ng eksekusyon ay agad-agad, gumawa ng katulad ng krimen kung saan isinasagawa ang nakakapangilabot na parusa na doon ay, nasaksihan pa lang nila.
Iyon ay kung bakit inalis ang pampublikong, eksekusyon. Itoy nakapagdudulot ng pinsala kaysa nakagawa ng mabuti.
Naipakita, ng istatistiko, na tumila ang pagtaas ng krimen, sa mga bansa na kabuuan nang inalis ang parusang kamatayan.
Siyempre, maaaring may iilang kaso kung saan ang takot sa kaparusahan ay nakakapagpipigil sa isang krimen, ngunit sa kabuuan ang epekto lamang nito ay upang ang isang kriminal ay kumilos na mas maging maingat, upang, ang kanyang deteksyon ay maging mahirap.
Sa pangkalahatang salita, mayroong dalawang uri ng krimen, ang ilan nito ay naisasagawa mula sa init ng galit at bugso ng damdamin; at sa ganyang kaso wala ni isa ang nagkokonsidera upang isaalang-alang kung ano man ang magiging kahihinatnan nito, kayat magkaganun ang takot sa parusa ay hindi pumapasok bilang isang kadahilanang.
Ang iba pang uri ng krimen ay nakatuon sa matinding pagiingat, karamihan ay gawang propesyunal, at sa ganitong mga kaso ang takot sa parusa ay naglilingkod lamang upang ang kriminal ay lalong maging mas maingat na lilisan na walang naiiwang bakas.
Kilalang-kilala na na katangian ng isang propesyunal na kriminal na iniisip niya palagi na siya ay may sapat na talino, upang makaiwas na siyay mapuna, kahit gaano pa siya kadalas na nahuhuli.
Sinisisi niya palagi ang isang partikular na mga bagay-bagay, ang ilang mga aksidenteng kadahilanan, o “masamang kapalaran” lamang ito, kaya’t siya’y humantong sa pagkaka-aresto.
Sa susunod kailangan na maging maingat na ako, sabi niya, o hindi ko na ulit pagkakatiwalaan ang aking kaibigan.
Pero halos hindi kailanman na makikita mo sa kanya ang lupaypay napagiisip upang sumuko sa isang krimen sa kabila ng matinding parusa na maaari niyang matagpuan.
Sa libo-libong kriminal na nakilala ko, bahagya sa kanila ang nagbibigay konsiderdisyon sa posibleng parusa na kanilang mararanasan.
Ito ay sa kadahilanan na ang takot sa kaparusahan ay walang naidudulot na epekto upang maiwasan ang krimen sa kabila ng lahat ng batas at korte, bilangguan at eksekusyon.
Ngunit ipagpalagay na natin na ang kaparusahan ay nakapagdudulot ng epekto. Hindi ba magkakaroon ng malakas na dahilan kung ano ang sanhi kung bakit napapasabak ang mga tao na gumawa ng krimen, sa kabila ng lahat ng mga nakakapangilabot na parusa?
Ano ang mga kadahilanang?
Ang bawat warden sa bilangguan ay magsasabi sayo na kapag marami ang kawalan ng trabaho, hirap ang buhay ay napupuno ang mga selda. Ang katotohanang ito ay lumabas basi sa imbestigasyon sa mga sanhi ng krimen.
Ang pinakamalaking porsyento nito ay nakadirekta ayon sa kalagayan sa pang-industriya at pang-ekonomiyang kadahilanan. Iyon ay kung bakit ang karamihan ng populasyon ng bilangguan ay nanggagaling mula sa mga mahihirap na uri.
Naitatag din na ang kahirapan at kawalan ng trabaho, kasama na nito ang kanyang kaugnay ng paghihirap at pagdurusa, ay siyang punong pinagmumulan ng krimen.
Mayroon bang anumang batas upang maiwasan ang kahirapan, at kawalan ng trabaho?
Mayroon bang anumang batas upang buwagin ang pangunahing sanhi ng krimen?
Hindi ba na ang lahat ng batas ay idenesenyo upang panatilihin ang kondisyon na gumagawa ng kahirapan at paghihirap at lumilikha ng krimen sa lahat ng oras?
Ipagpalagay na natin na ang isang tubo kung saan dumadaloy ang tubig ay sumambulat sa iyong bahay. Inilagay mo ang timba, sa ilalim ng butas upang mahuli ang tumatakas, na tubig, maaari mong panatilihin ang pabalik-balik na paglagay ng timba roon, subalit hangga’t hindi mo inaayos ang tubo, ang butas ay patuloy pa rin na tutulo, kahit gaano pa karami ang panunumpa mo tungkol dito,
Ang ating napupunong bilangguan ay ang timba.
Ipasa ang maraming mga bata ayon sa gusto mo, parusahan ang mga kriminal hangga’t sa maaari, ang tulo ay patuloy pa rin hangga’t hindi mo naisasaayos ang sirang tubong lipunan.
Nais ba talagang ayusin ng repormer at pulitiko ang tubong iyan?
Sinabi ko na kamakailan na karamihan sa krimen ay may kaugnay na pang-ekonomiyang kalikasan.
Iyon ay itoy may kinalaman sa pera, sa pagmamay-ari, sa pagnanais na makakuha ng isang bagay sa pinakakaunting pagsisikap, upang makalangkin ng isang magarang pamumuhay o kayamanan sa mabuti’t masama.
Ngunit iyan na lamang ang ambisyon ng ating buong buhay, ng ating kabihasan.
Habang ang ating buhay ay nakabatay sa diwang ito, posible bang maiiwasan ang krimen? Habang ang lipunan ay binubuo sa prinsipyo kung saan aariin ang lahat ng bagay, ay patuloy tayo na mabubuhay sa ganoong paraan.
Ang ilan ay susubukang gawin ito na nakaayon sa batas, ang iba, mas malakas ang loob, walang ingat at desperado ay gagawin ito na walang kinikilalatig batas. Ngunit alin man sa dalawa ay tunay na pareho lang ang paggawa nito, at ito ay ang bagay na krimen, hindi ang paraan kung paano ito natupad.
Ang sino man na gumawa nito sa loob ng batas ay tinatawag ang iba na kriminal.
Iyan ay para sa mga “iligal” na kriminal, at para sa mga taong maaaring maging tulad-na ang karamihan sa mga batas ay ginawa.
Ang “iligal” na kriminal ay madalas na nahuhuli. Ang kanilang kombiksyon at kaparusahan ay pangunahing umaasa sa kung paano sila matagumpay sa kanilang kriminal na karera. Kung silay matagumpay, mas mababa ang pagkakataon ng kanilang kombiksyon, mas magaan ang kanilang parusa.
Hindi ang krimen na kanilang ginawa ang ganap na magpapasya sa kanilang kapalaran, ngunit ang kanilang kakayahan na makakuha ng mamahaling abogado, ang kanilang mga pulitikal at panlipunan na koneksyon, ang kanilang pera at impluwensya.
Ito’y pangkaraniwan nila ang isang dukha at walang kaibigan na kapwa ang mas lalong nakakaramdan sa buong bigat ng batas, nakakakuha ng mabilis na “hustisya” at pinakamabigat na parusa.
Siya’y hindi makapagsasamantala sa mga ibat-ibang pagkaka-antala ng batas na kung saan ay kayang bayaran ng kapwa niyang kriminal na mayaman, sapagkat ang pag-aapela sa mataas na korte ay mamahaling luho kung saan ang kriminal na walang pera ay hindi maaring pagbigyan.
Iyon ay kung bakit hindi na halos kailanman na makikita ang isang mayamang tao na nakapiit sa bilangguan, ang tulad, ay paminsan minsan “napatunayang may kasalanan,” ngunit ang makapangyarihan ay bihirang parusahan, ni ikaw ay makakakita ng maraming propesyunal na kriminal sa bilangguan.
Ang mga ito’y “alam ang pasikot-sikot” sila ay may mga kaibigan at mga koneksyon: kadalasan din sila ay may makalaang pera, para lamang sa ganoong okasyon kung saan itoy ginagamit nila upang sila’y makalabas sa panligal na lambat.
Ang mga taong makikita mo sa ating mga bilangguan at penetensyaryo ay ang mga pinakamahirap sa lipunan, yaong walang aala karamihan ang mga subsub sa trabaho at mga magsasaka na dahil sa kahirapan at kasawian, pagwawelga at pagpipiket, kawalan ng trabaho at pangkalahatang kawalan ng pag-asa ay napipiit na bilangguan.
Ang mga ito ba ay kahit kaunti ay naireporma sa pamamagitan ng batas at ang katapat na parusa na kanilang natitikman?
Bahagya.
Sila’y nakalalabas ng kulungan na humihina ang katawan at isipan, pinatibay sa lubhang pagmamaltrato, at kalupitan ng kanilang dinanas o kanilang nasaksihan, masama ang loob dahil sa kanilang kapalaran.
Sila’y bumalik sa parehong kalagayan kung saan sila’y nung una’y nilikha na “lumalabag sa batas,” at ngayo’y sila’y itinuturing na mga kriminal, mababa ang tingin sa kanila, kinasusuklaman kahit sa mga dating kaibigan, at inuusig at tinutugis ng mga pulis gaya ng mga taong may isang “kriminal rekord.”
Hindi na ganun katagal nung sila’y huling makulong na karamihan sa kanila’y ngayo’y balik na naman sa kulungan.
Kaya ang ating tiyu-bibo na lipunan ay patuloy pa rin na umiikot kagaya nito.
At sa lahat ng oras ng mga kondisyon, kung saan ginawa ang mga kapos-palad na maging kriminal ay patuloy na lumilikha ng bagong ani, katulad nila, at ang “batas at kaayusan” ay patuloy pa rin kagaya ng dati, at ang repormer at pulitiko ay nananatiling abala sa paggawa ng mas maraming batas.
Ito ay isang pinakikinabangang negosyo ang gumawa ng batas.
Dumating bo sayo ang panahon na bigla kang huminto upang isaalang-alang na ang ating mga korte, pulisya, at ang buong makinarya ng tinatawag nating hustisya ay tunay talaga na bubuwagin ang krimen?
Ito ba ay para sa interes ng mga pulis, ng mga detektibo, ng serip, ang mga hukom, ang mga abogado, ang mga kontraktor ng bilangguan, mga warden, mga kinatawan, mga bantay, at ang mga libo-libong mga iba pa na nabubuhay, sa pamamagitan ng “administrasyon ng hustisya” na gawin ang pagpipigil sa krimen?
Ipagpalagay natin na walang mga kriminal, sila ba na mga administrador ay mananatili pa rin sa kanilang tungkulin? Maaari ka bang patawan para sa kanilang suporta? Sila ba’y hindi mapipilitan na gumawa ng ilang tapat na trabaho?
Isipin at tingnan mong mabuti kung ang krimen ay hindi isa sa pinakikinabangan na pinagkukunan ng kita ng mga “tagapagmudmod ng hustisya” kaysa sila ng mga kriminal mismo.
Makatuwiran ka bang maniniwala na nais talaga nilang buwagin ang krimen?
Ang kanilang “layunin” ay upang hulihin at parusahan ang kriminal; ngunit ito’y hindi sa kanilang mga interes ng gawin upang maiwasan ang krimen, sapagkat iyon ang kanilang tinapay at mantikilya.
Iyon ang dahilan kung bakit hindi sila tumitingin sa mga kadahilanan ng krimen. Lubos na silang nasisiyahan sa mga bagay-bagay na ganyan na lamang.
Sila ang matatag na tagapagtanggol sa umiiral na sistemang “katarungan at kaparusahan,” ang kampeyon sa “batas at kaayusan.” Hinuhuli nila at pinaparusahan ang kriminal, ngunit kanilang pinababayaan ang krimen at ang mga sanhi nito ng na lubhang nagiisa.
Ngunit ano ang batas para sa iyo, hiling mo?
Ang batas ay upang panatilihin ang umiiral na kalagayan, para panatilihin ang “batas at kaayusan.” Higit pang mga batas ang patuloy na ginagawa, ang lahat ay para sa parehong layunin na ipagtanggol ay isustena ang kasalukuyang kaayusali ng mga bagay-bagay.
Upang baguhin ang mga tao, sabi ng repormer, upang mapabuti ang kalagayan, gaya ng pangako ng pulitiko sayo.
Ngunit ang mga batas ay iniwan ang mga tao sa pagiging sila, at ang kasalukuyang kalagayan ay nananatili, sa kabuuan, ay ganun pa rin.
Sa simula na ang kapitalismo at pang-aalipin ng sahod ay nagumpisa, milyon-milyong batas ang naipasa ngunit ang kapitalismo at pang-aalipin ng sahod ay nananatili pa rin.
Ang katotohanan ay, ang lahat ng mga batas ay nagseserbisyo lamang upang gawin ang kapitalismo na malakas at panatilihin ang pagsakop ng mga manggagawa,
Ito ay negosyo ng mga pulitiko, ang “agham ng pulitika” na gawin ka upang ikaw ay maniniwala na ang batas ay magpoprotekta sa iyo at sa iyong mga interes, habang ito lamang ay naglilingkod upang panatilihin ang sistema na nagnanakaw sa iyo, lumilinlang at umaalipin sa iyong katawan at isipan.
Ang lahat ng mga institusyon ng lipunan ay may isang bagay na pananaw; na magtanim sa iyo ng paggalang sa batas at gobyerno, upang ikaw ay magkautang sa kanyang kapangyarihan at kabanalan, at sa ganyang paraan ito ay sumusuporta sa panlipunan nabatayan kung saan nakasalalay ang iyong kamangmangan at pagsunod.
Ang buong sekreto ng bagay na ito ay nais ng mga amo na panatilihin ang kanilang ninakaw na ari-arian. Ang batas at ang gobyerno ang paraan upang gawin nila ito.
Walang malaking misteryo, tungkol sa bagay na ito ng gobyerno at batas. Ni mayroon mang ano mang bagay na sagrado o banal tungkol sa kanila.
Ang mga batas ay ginawa at ibabalik sa dati, lumang batas ay inalis, at mga bagong batas ay ipinasa. Ang lahat ng ito ay ginawa ng tao, , samakatuwid maaaring magkamali at pansamantala. Walang eternal at hindi mababago tungkol sa kanila.
Ngunit, kahit ano pa mang batas ang gagawin mo at paano mo man ito babaguhin, sila’y laging maglilingkod sa isang layunin upang pilitin ang mga tao na gumawa ng ilang bagay, upang pigilan sila mula sa pagawa nito, o parusahan sila sa pagawa ng ibang bagay.
Sa madaling salita, ang tanging layunin ng mga batas at gobyerno ay ang mamuno sa mga tao upang panatilihin ang mga ito mula sa paggawa kung ano ang nais nila at iuto sa kanila kung ano ang gusto ng iilang tao upang gawin nila ito.
Ngunit bakit ang tao ay kailangang pigilan mula sa paggawa kung ano ang nais nila? At ano ito na nais nilang gawin?
Kung titingan mo ito ay makikita mo na nais ng tao na mabuhay, upang makamit ang kanilang pangangailangan, upang masiyahan sa buhay. At sa lahat ng ito ay pareho ang mga tao, gaya nung sinabi ko nung una.
Ngunit kung ang mga tao ay pipigilan na mabuhay at maging masaya sa kanilang buhay, samakatuwid, ay, may iilan sa atin na may sariling, interes, na gumawa niyan.
Kaya sa katunayan, may mga totoo talagang tao na ayaw nila na tayo’y mabuhay at masiyahan sa buhay sapagkat kinuha na nila ang saya mula sa ating buhay, at ayaw nilang ibalik ito sa atin.
Ito’y ginawa na ng kapitalismo, at ang gobyerno na nagsisilbi sa kapitalismo.
Upang pahintulutan ang mga tao na masiyahan sa buhay ay nangangahuļugan ng paghinto sa pagnanakaw at pang-aapi sa kanila.
Iyon ay kung bakit kailangan ng kapitalismo ang gobyerno, na ang dahilan kung bakit tayo’y tinuturuan na igalang ang “kabanalan ng batas.”
Tayo’y ginawa upang maniwala na ang paglabag sa batas ay kriminal, bagama’t ang paglabag sa batas at ang krimen ay kadalasang ganap na magkaibang bagay.
Tayo’y ginawa upang maniwala na ang ano mang pagkilos laban sa batas ay masama para sa lipunan, bagamat ito’y maaaring maging masama para lamang sa mga amo at mapagsamantala.
Tayo ay ginawa upang maniwala na ang lahat ng bagay na nagbabanta sa mga ari-arian ng mga mayayaman ay “masama” at “mali” at ang lahat ng bagay na nagpapahina sa ating kadena at sumisira sa ating pagkaalipin ay “kriminal.”
Sa madaling salita, sa paglipas ng panahon ay may nabuo nang isang uri ing “moralidad,” na kapakipakinabang para sa mga namumuno at mga amo lamang-isang moralidad ng uri, talagang isang mapang-aliping moralidad, dahil ito ay tumutulong upang panatilihin ang ating pagiging alipin.
At ang sino mang lumalaban sa moralidad na ito ay tinatawag na “masama,” “imoral,” isang kriminal, isang anarkista.
Kung dapat kitang nakawan ng lahat ng sa iyo at pagkatapos ay hihimukan kita na ang ginawa ko ay mabuti para sa iyo at na dapat mong ingatan ang aking mga ninakaw laban sa iba, ito’y napakahusay na gawain sa aking bahagi; hindi ba? Ito’y makakapagligtas sa akin sa mga ninakaw kong ari-arian.
At sa susunod, ipagpalagay din natin na dapat na kumbinsihin kita na kailangan nating gumawa ng isang patakaran na kung saan walang mag-aatubiling kumuha sa aking ninakaw na yaman upang ako’y patuloy na makaipon ng mas marami pa sa kaparehong paraan at na ang pagsasaayos nito ay makatarungan at para sa iyong sariling pinakamabuting interes.
Kung tulad sa ganoong hibang na paraan ay dapat na tunay na maitupad, mangyari ay magkakaroon tayo ng “batas at kaayusan” ng gobyerno at kapitalismo kung saan mayroon tayo ngayon.
Malinaw, siyempre, na ang batas ay walang lakas kapag ang tao ay hindi magtitiwala sa kanila at sumusunod sa kanila. Kaya ang unang bagay na gagawin ay paniniwalain sila na ang batas ay, “kinakailangan at mabuti para sa kanila.”
At ito’y mas mahusay rin kung maaari mo silang mapapahantong sa pagiisip na sarili nila mismo ang gumagawa ng mga batas. Saka sila ay magiging handa at sabik na sumunod sa kanila.
Iyan ang tinatawag na demokrasiya; upang himukin mga tao sa paniniwala na sila’y pinuno sa kanilang sarili at sila mismo ang magpapasa ng mga batas sa kanilang bansa.
Iyan, ang isang kalamangan ng isang demokrasiya o ng isang republika na higit sa isang monarkiya.
Sa mga unang panahon ang pamumuno at ang pagnanakaw sa mga tao ay mas mahirap at mapanganib. Ang hari at ang pyudal na panginoon ay pinipilit ang mga tao sa pamamagitan ng lakas upang siya ay paglingkuran. Siya ay uupa ng mga armadong tao upang gawin ang mga tao na magbigay pugay at magpailalim sa kanya.
Ngunit yun ay mahal at mahirap. Ang mahusay na paraan ay natagpuan sa pamamagitan ng pagtuturo sa mga tao sa paniniwala na “utang” nila sa hari ang kanilang katapatan at tapat na serbisyo.
Ang pamamahala sa kanila ay naging lubhang mas madali, subalit, gayon pa man ay alam ng mga tao na ang hari ay ang kanilang panginoon at kumander. Ang isang republika, gayunpaman ay mas ligtas at mas kumportable para sa mga pinuno, dahil sila mismo ang mga taong akala nila’y, mga amo sila sa sarili nila.
At kahit na gaano pa sila pinagsasamantalahan at inaapi, sa isang “demorkrasiya”; iniisip nila na silay malaya at may-kasarinlan sa kanilang sarili.
Iyon ay kung bakit ang karaniwan na manggagawa sa Estados Unidos, halimbawa, ay kinokonsidera ang kanyang sarili na isang pinakamataas na punong mamamayan, bagama’t siya’y walang higit na sinasabi tungkol sa pagpapatakbo ng kanyang bansa kaysa sa mga namamatay sa gutom na magsasaka sa Russia sa ilalim ng Tsar.
Iniisip nya na malaya siya, habang sa katunayan siya lamang ay isang alipin ng sahod. Naniniwala siya na siya’y nasisiyahan sa “kalayaan para sa hangarin ng kaligayahan,” habang ang kanyang mga araw, linggo at taon, at ang kanyang buong buhay, ay nakasangla sa kanyang amo sa minahan o pabrika.
Ang mga tao sa ilalim ng kalupitan alam nila na silay alipin at minsay silay mag-aalsa.
Ang mga tao sa Amerika ay alipin at hindi nila alam ito. Iyon ay kung bakit walang mga rebolusyon sa Amerika.
Ang modernong kapitalismo ay tuso. Alam nito ito’y makakapag-unlad ng mahusay sa ilalim ng mga “demokratikong” institusyon, kasama ang mga tao na pumipili ng kanilang sariling representatib sa mga kinatawan na gumagawa ng batas, at hindi tiyak na maghahagis ng isang boto kahit para sa presidente.
Ang mga kapitalistang mga amo ay walang pakialam kung paano at para kanino ang iyong boto, maging ito ay republikan o ang demokratikong tiket.
Ano ang pagkakaiba ng mga ito sa kanila?
Kahit sino ang binoto mo, siya ay magsasabatas na pabor sa “bakas at kaayusan” upang maprotektahan ang mga bagay na ganun na lamang. Ang pangunahing tungkulin ng, kung sino mang kapangyarihan ay, dapat ang mga tao ay naniniwala at nagtataguyod sa umiiral na sistema.
Iyon ay kung bakit sila ay gumagastos ng milyon-milyon para sa mga paaralan mga kolehiyo, at mga unibersidad na nagtuturo sa iyo sa pagtitiwala sa kapitalismo at gobyerno.
Ang pulitika at ang mga pulitiko, mga gobernador at mambabatas ay kanilang tau-tauhan lamang. Kailangan nilang makita ito na walang batas na maipapasa laban sa kanilang mga interes.
Ngayon at sa susunod pa sila ay lilikha ng palabas ng labanan ng ilang mga batas at pagpapabor sa iba, kung hindi ang laro ay matatalo ang kanyang interes para sa iyo.
Ngunit, kahit ano mang batas ang naririyan, ang mga amo ay mamamahala upang hindi maaapektuhan ang kanilang mga negosyo, at ang kanilang abogado na may mabuting sahod ay alam nila kung paano babaligtarin ang bawat batas para sa benepisyo ng mga malalaking interes, gaya ng pagpapatunay ng pangaraw-araw na karanasan.
Ang pinakapansin-pansin na ilustrasyon nito, ay ang tanyag na Sherman Anti-trust Law. Ang mga organisadong manggagawa ay gumastos ng libo-libong dolyar at mga taon ng lakas na maipasa ang nasabing batas.
Ito ay idenerekta laban sa lumalaking kapitalistang monopolyo, laban sa malakas na kombinasyon ng pera kung saan ito’y namumuno sa lehistratura at mga korte at itinuon sa manggagawa sa pamamagitan ng kamay na bakal.
Pagkatapos ng mahaba at ekspensibong pagsisikap ang Sherman Law sa wakas ay naipasa, at ang mga lider ng mga manggagawa at mga pulitiko ay tuwang-tuwa sa “bagong kapanahunan” na nilikha ng nasabing batas, gaya ng pagkasabik nila na ipangako ito sa mga manggagawa.
Ano ang naisakatuparan ng batas na iyan?
Ang Trusts ay hindi nasaktan sa pamamagitan nito; sila’y nananatiling ligtas at malakas, sa katunayan, sila ay lumaki at dumami. Sinakop nila ang bansa, at tinatrato ang manggagawa na hamak na mga alipin. Sila ay mas malakas at mas maunlad kaysa sa dati.
Subalit ang isang mahalagang bagay ang Sherman Law ay naisatupad.
Naipasa lalong lalo na para sa “interes ng manggagawa” ito ay ibinaling laban sa kanila at ano kanilang mga unyon.
Ngayon ito ay ginamit upang mabuwag ang mga organisasyon ng manggagawa sa pagiging isang “tagapaghadlang sa malayang kompetisyon.”
Ang mga unyon ng manggagawa ay ngayon ay patuloy na banta sa Anti-Trust Law, habang ang kapitalistang deposito ay patuloy sa kanilang gawain na hindi nagagambala.
Kaibigan, kailangan ko bang sabihin sayo ang tungkol sa suhulan at kasamaan ng pulitika tungkol sa kurapsyon ng mga korte, at mga nakaririmarim na administrasyon ng hustisya?
Kailangan ko bang ipaalala sa iyo ang malaking Teapot Dome at Oil-Lease na iskandalo, at ang libo-libo at higit pang maliliit ng pangaraw-araw na pangyayari?
Ito ay magiging insulto sa iyong katalinuhan na talakayin ang sa lahat ng dako ay kilalang kilala na mga pangyayari, sapagkat sila ay bahagi at parsela ng lahat ng pulitika, sa bawat bansa.
Ang malaking kasamaan ay hindi ang pulitiko ay kurap at ang administrasyon ng batas ay hindi makatarungan.
Kung iyon lamang ang tanging problema, samakatuwid maari nating subukan, kagaya ng repormer na “linisin” ang pulitika gawin ang isang mas “makatarungan na administrasyon.”
Ngunit ito ay hindi ang tunay na problema.
Ang problema ay hindi na marumi ang pulitika, ngunit na ang buong laro ng pulitika ay sira.
Ang problema ay hindi dahil sa depekto sa pangangasiwa ng batas, ngunit na ang batas mismo ay isang instrumento upang mapasailalim at apihin ang mga tao.
Ang buong sistema ng batas at gobyerno ay isang makina upang panatilihin ang mga manggagawa na maging alipin at nakawan sila sa pamamagitan ng kanilang paggawa.
Bawat panlipunang “reporma” na ang pagsasakatuparan ay nakadepende sa batas at gobyerno ay gayon tiyak na tumatadhana sa kabiguan.
Subalit, ang mga unyon! Sigaw ng iyong kaibigan; ang unyon ng manggagawa ay pinakamahusay na tagapagtanggol ng mga manggagawa.
Isinalin sa tagalog mula sa lathala “Reformer and Politician” sa unang edisyon ng Alexander Berkman, What is Communist Anarchism? na nasimulang ipahayag noong 1929.