Categories
Republished Translations

Especifismo: Ang Anarkistang Pamamaraan sa Pagbuo ng mga Kilalang Samahan at Rebolusyonaryong Kilusan

Sinulat ni Adam Weaver at Tinagalog ng isang anonymous tagasalin. Inilathala ni Black Rose/Rosa Negra Anarchist Federation


Makasining na paglalarawan ng babaeng nakataas ang kamao at may lilang buhok. Unang nalathala sa “Northeastern Anarchist #11” noong Tagsibol (Spring) 2006, Ang Anarkistang Pamamaraan sa Pagbuo ng mga Kilalang Samahan at Rebolusyonaryong Kilusan ay naging pambungad na artikulo sa wikang ingles ukol sa koncepto ng especifismo. Bagamat maikli at limitado ang saklaw, ito ay naging pamantayang teksto na pambungad sa mga pagsasalin sa ibat ibang wika at ngayon ay ginagamit na ng mga samahang pampulitika sa Latin America. Ito ay batay sa mga nauna nang pagsasaling wika at pakikipagpalitan ng mga kuru kuro ni Pedro Rebeiro na isang anarkistang Brazilian-American, nguni’t nang simulan niya itong ilathala nagsimula na rin ang iba’t ibang uri ng pagsasaling wika nito na lalong nagpalalim, nagpaigting at nagpayaman sa pag-unawa sa especifismo. Kabilang na rito ang Federacion Anarkista Uruguaya’s 1972 theoretical piece na “Huerta Grande” at ang maraming kabanatang aklat na “ Social Anarchism and Organization” ng Federacao Anarquista do Rio de Janeiro (FARJ).