Categories
Pamphlets Republished Translations

Anarkismo

Sinulat ni Cindy Milstein. Salin sa wikang Filipino ni Victoria Garcia. Unang nailathala ni Revolt Magazine. Read this in English on The Anarchist Library.


Sa ugat nito, ang anarkismo ay isang espiritu—na umiiyak laban sa lahat ng mga mali sa kasalukuyang lipunan, at walang alinlangang ipinapahayag ang lahat ng mga pupwedeng isaayos sa ilalim ng mga alternatibong uri ng panlipunang kaayusan. Maraming magkakaiba ngunit magkakarugtong na pagtingin sa anarkismo, pero sa madaling sabi, ito ay bibigyang kahulugan bilang ang pakikibaka tungo sa isang “malayang lipunan ng mga malayang indibiduwal.” Ang katagang ito ay maaaring masabi na napakasimple. Nakapaloob dito ang parehong pagpapahiwatig ng kritikong multi-dimensyonal at isang mapagpalawig, maaaring sensitibong, pagbubuo ng panibagong pagtingin.