Sinulat ni Peter Gelderloos sa Ingles sa Twitter at inisalin ni Simoun Magsalin. Original text in English available after the Tagalog text. Pinasalamatan ni Simoun Magsalin sina Malaginoo, Lahumbuwan, at Butingaton sa kanilang komento sa dating draft nito.
Noong ika-lima ng Enero 1960, binaril ng mga pasista ang Katalanong na gerilyang anarkista si Quico Sabaté at sa wakas, siya’y namatay pagkatapos ng tatlumpung taon ng pakikipag-laban sa kapitalismo. Noong binatilyo pa siya, sumali siya sa Confederación Nacional del Trabajo (CNT—ang anarkistang bukluran ng mga manggagawa) para i-organisa ang kanyang pinagtatrabahuan (nagtrabaho siya bilang mekaniko sa ilang mga pabrika), at kasama ang kanyang mga kapatid, bunuosiya ng isang grupo de afinidad (affinity group) sa loob ng Federación Anarquista Ibérica (FAI—Iberianong Anarkistang Pederasyon). Noong Enero ng 1933, nakilahok siya sa isang himagsikang iniayos ng CNT, at noong 1935 natupad ng kanyang grupo de afinidad ang kanilang unang pagkamkam (expropriation) upang makalikom ng pondo para sa mga bilanggo.
Nang magsimula ang giyera sibil sa Espanya, sinamahan niya ang isang milisya ng FAI papunta sa prontera (front) sa Aragón. Doon inakusahan siya ng pagpapatay sa isang komunistang komisaryo na pinipigilan ang pagdaloy ng mga armas tungo sa kulumnang anarkista, dahil walang armas ang mga anarkista, halos pinayagan ng komisaryong ito na sakupin ng mga pasista ang Teruel. Kinulongsi Quico sa akusasyon itongunit nakatakas at bumalik siya sa prontera upang ipagpatuloy ang pakikipaglaban sa mga pasista.
Tumakas siya papunta sa Pransya noong natalo ang mga anarkista sa giyera sibil noong 1939 at inilagay siya sa isang concentration camp ng mga Pranses kasama ang libo-libongiba pang mga nilisanang Espanya. Nakamit din niya ang kanyang kalayaan mula sa concentration camp sa pamamagitan ng pagtatrabaho sa pabrika nga mga paputok at bomba. Lumipat siya sa isang nayon sa kabundukan ng Pyrenees upang maghanda ng mga sikretong ruta sa hangganan ng Pransya at Espanya. Natapos niya ang kanyang unang paglalakbay sa Espanya (na pinamumunuan na ng pasistang diktador na si Francisco Franco) noong 1944. Sa gayon nagsimula ang kaniyang buhay bilang isang gerilya. (Mga maqui ang tawag ng mga gerilyang nagpatuloy ng laban sa ng mga pasistang hukbo ni Fransisco Franco.)
Isinasagawa ang mga anarkistang gerilya ang “armed agitation,” o pagkakamkam (expropriation), pagsasabotahe, at pagaatake upang suportahan ang mas malawak na pakikibakang antikapitalista imbes na subukan nilang maging protagonista o vanguard ng pakikibakang iyon. Nagnakaw sila ng pera para sa mga pondo ng welga at pamilya ng mga bilanggo. Sinalakay at pinagbantaan nila ang pinaka-abusero na amo sa harap ng kanilang manggagawa. Siniraan nila ang mga linya ng kuryente. Pinatay nila ang mga opisyal ng kapulisan at pinakawalan nila ang mga tao sa bilangguan (kabilang ang pagliligtasnila ng mga tao sa extermination camps ng mga pasista). Ibinahagi nila ang mga iligal na panitikan.Nagkatangka rin sila ng ilang beses na patayin ang pasistang diktador na si Francisco Franco. Isinagawa ang lahat ng ito bilang pambuo sa pag-oorganisa ng mga pinagtatrabahuan at kapitbahayan kaysa sa kapalit nito.
Namatay ang daan-daang anarkistang gerilya at ang kanilang mga tagasuporta sa pakikibaka ito (kasama na rito ang mga kapatid ni Quico) at marami-rami pang nakulong. Mayroong pakikibakang gerilyang maquis na komunista at anarkista sa Euskadi, Aragón, Galicia, Andalucía, at Madrid. Sa huli, binawi na rin ng CNT ang kanilang suporta sa kampanyang gerilya, ngunit ipinatuloy pa rin ng grupo ni Quico at ang kanyang mga kasama ang laban sa mga pasista.
Nang narinig niya na nakulong ang kanyang kasama sa katapusan ng 1959, inihanda niya ng kaniyang huling biyahe kasama ng grupo niya para susubukin nilang sagipin ang kanilang kasama.
Regular na ipinapasa ng kapulisan ng Pransya sa kanilang pasistang katuwang sa Espanya ang kanilang intelihensiya tungkol sa mga grupong anarkista. Ngunit naiwasan ng grupo ni Quico ang mga patrol sa magkabkailang panig ng hangganan ng Pransya at Espanya. Pero noong ika-apat ng Enero napalibutan ng higit sa isang daang Guardia Civil ang limang mga anarkista sa isang maliit na bahay-bukid sa mga kabundukan ng Mas Clarà.
Lubha’t matagal-tagalang inilusob na intensive fireng Guardia Civil ang grupo ni Quico at pinatay nila sina Antoni Miracle Guitart, Roger Madrigal Torres, Francisco Conesa Alcaraz at Martín Ruiz Montoya.
May tatlong sugat ng bala si Quico Sabaté, ngunit nakatakas siya sa ilalim ng takip ng kadiliman at nakasugat siya ang isang Guardia Civil at nakapatay rin siya ang isang tenyente.
Kahit sobrang nasugatan si Quico, bumiyahe pa rin siya ng ilan-ilang kilometro sa niyebeng bundok, tinawid niya ang ilog Ter, sumakay sa isan tren, tumalon at tumakas sa tren nang natagpuan siya, pero nakarating rin siya sa bayan ng Sant Celoni. Sa sandaling iyon, naimpeksyonna ang kanyang mga sugat at nahihilo na rin si Quico. Habang naghahanap siya ang isang doktor na taga-suporta ng pakikibaka, nahanap siya ng isang pasista at binaril hanggang siya’y napatay. Itinapon ang bangkay niya sa isang hukay na walang marka, at nang matagpuan ng mga kasama ay nagtayo rin sila ng memorial sa kanyang alaala.
Namatay ang pinaka-huling Katalanong maqui, si Ramon Vila Capdevila, tatlong taon pagkatapos ng kamatayan ni Quico. Ngunit ang alaala at pagsasagawa ng mga maqui ay nakabigay ng inspirasyon sa susunod na henerasyon ng mga antikapitalista na nagsimulang umaksiyon sa kalagitnaan ng dekada 60. (May parating na libro ukol sa pakikibaka nitong susunod na henerasyon mula sa AK Press: Salvador Puig Antich: Collected Writings on Repression and Resistance in Franco’s Spainna ini-edit ni Ricard de Vargas Golarons at isinalin ni Peter Gelderloos sa Ingles.)
Sinubukan ng iba’t-ibang sosyalista na limitahan ang pamana ng mga gerilyang ito sa pagiging antipasista lamang. Sinubukan din ng mga nasyonalistang Katalan na baguhin ang imahen ng mga gerilyang maquis bilang tagapagtanggol ng pulitikang maka-kasarinlan. Ngunit kailangan tandaan na ang pakikibaka ng mga gerilyang ito ay laban sa kapitalismo at estado, kahit anuman ang ng uri nito.
Quico Sabaté: Anarchist Guerrilla
Original Twitter thread by Peter Gelderloos
On this day [January 5] in 1960, Catalan anarchist guerrilla Quico Sabaté was finally shot down by the fascists after thirty years of combat against capitalism. As a teenager he joined the CNT to organize his workplace (several factories, working as a mechanic), and with his brothers he created an affinity group within the FAI. In Jan 1933, he participated in the insurrection organized by the CNT, in 1935 his affinity group carried out their first expropriation to raise money for prisoners. When the Civil War broke out in 1936 he went with a FAI militia to the Aragón front, he was accused of killing a communist commissar who was withholding armaments from the anarchist columns, allowing the fascists to take Teruel, was imprisoned, escaped, went back to the front to continue fighting the fascists, escaped to France when the war was lost in 1939, was put in a concentration camp by the French together with hundreds of thousands of other refugees, gained his release by working in an explosives factory, moved to a village in the Pyrenees to begin preparing clandestine routes across the border. He made his first trip into Francoist Spain in 1944. Thus began his life as a guerrilla.
The anarchist guerrillas practiced “armed agitation,” carrying out expropriations, sabotage, and attacks in order to support the broader anticapitalist struggle rather than trying to make themselves the protagonists or vanguard of that struggle. They stole money for strike funds and prisoners’ families, assaulted and threatened particularly abusive bosses in front of the workers, destroyed power lines, assassinated police officials, broke people out of prison (including saving people from the extermination camps the fascists were running), distributed illegal pamphlets, and organized several assassination attempts on Franco, all of it as a complement to workplace and neighborhood organizing rather than a substitute. Hundreds of anarchist guerrillas and supporters were killed in this struggle (including Quico’s brothers) and many more imprisoned. There were also guerrilla movements, communist as well as anarchist, in Euskadi, Aragón, Galicia, Andalucía, and Madrid.
The CNT eventually withdrew their support for the guerrilla campaign, but Sabaté’s group and several other groups continued. When Quico heard a comrade had been imprisoned late in 1959, he prepared his last journey, going with his group in a rescue attempt.
The French police regularly passed their fascist Spanish colleagues intelligence on the anarchist groups, but around New Years’, Quico’s group managed to evade patrols on both sides of the border. But on January 4, the five anarchists were surrounded by over one hundred Guardia Civil at a small farmhouse in the mountains, Mas Clarà. The police laid down intensive fire for hours, killing Antoni Miracle Guitart, Roger Madrigal Torres, Francisco Conesa Alcaraz and Martín Ruiz Montoya. Quico Sabaté had three bullet wounds, but under cover of darkness he snuck away, injuring one Guardia Civil and killing a lieutenant in his escape. Severely injured, he made it dozens of kilometers through the snowy mountains, crossed the river Ter, boarded a train, leapt off when he was discovered, and eventually made it to the town of Sant Celoni. By now his wounds were gangrenous and Quico was disoriented. As he searched for a doctor who supported the cause, a fascist found him and shot him dead. He was dumped in an unmarked grave, which comrades later located and memorialized.
The last Catalan maqui, Ramon Vila Capdevila, was killed 3 years later but their memory & practice inspired the next generation of anticapitalists who would begin to take action in the middle of the 60s.
There’s a forthcoming book on this next generation’s struggle by @AKPressDistro [Salvador Puig Antich: Collected Writings on Repression and Resistance in Franco’s Spain edited by Ricard de Vargas Golarons and translated by Peter Gelderloos].
Socialists have tried to limit the legacy of these guerrillas as mere antifascists, and Catalan nationalists have tried to recast them as champions of political independence, but their struggle was always against capitalism and the State in all its forms.