Categories
Translations

Bakit Bandilang Itim?

Isinalin mula sa “Why the Black Flag?” nasa Reinventing Anarchy, Again (1996) ni Howard J. Ehrlich, pp 31-32. Sinalin ni Simoun Magsalin.


Ang bandilang itim ay ang simbolo ng anarkiya. Pumupukaw nito ng iba’t-ibang mga damdamin tulad ng takot hanggang sa kasiyahan sa mga kinikilala ’to. Alamin natin kung ano ang ibig sabihin nito upang makita ’to sa higit pang mga pampublikong pagtitipon… Kontra sa lahat ng pamahalaan ang mga anarkista kasi naniniwala sila na ang malaya at mulat na kamalayan ng mga sarili ay ang pinakadakilang lakas ng mga pangkatan at ng mismong lipunan. Naniniwala ang mga anarkista sa pansariling responsibilidad at pagkukusa at sa buong-pusong pakikipagtulungan ng mga pangkatan na binubuo ng mga malayang indibidwal. Kabaligtaran ng mithiin ito ang pamahalaan, at umaasa ito sa malupit na puwersa at pandaraya upang padaliin ang pamamahalaan ng marami sa iilan lamang. Kung napatunayan ang itong malupit at mapanlinlang proseso sa mga gawa-gawang konsepto tulad ng dibinong karapatan ng mga hari, ang demokratikong halalan, o ang rebolusyonaryong pamahalaan ng mamamayan ay may kaunting pagkakaiba sa mga anarkista. Tinatanggihan namin ang buong konsepto ng pamahalaan mismo at iginigiit namin ang pag-asa sa kakayahang malutas ang problema ng mga malayang tao.