Sinulat ni Peter Gelderloos sa Ingles sa Twitter at inisalin ni Simoun Magsalin. Original text in English available after the Tagalog text. Pinasalamatan ni Simoun Magsalin sina Malaginoo, Lahumbuwan, at Butingaton sa kanilang komento sa dating draft nito.
Noong ika-lima ng Enero 1960, binaril ng mga pasista ang Katalanong na gerilyang anarkista si Quico Sabaté at sa wakas, siya’y namatay pagkatapos ng tatlumpung taon ng pakikipag-laban sa kapitalismo. Noong binatilyo pa siya, sumali siya sa Confederación Nacional del Trabajo (CNT—ang anarkistang bukluran ng mga manggagawa) para i-organisa ang kanyang pinagtatrabahuan (nagtrabaho siya bilang mekaniko sa ilang mga pabrika), at kasama ang kanyang mga kapatid, bunuosiya ng isang grupo de afinidad (affinity group) sa loob ng Federación Anarquista Ibérica (FAI—Iberianong Anarkistang Pederasyon). Noong Enero ng 1933, nakilahok siya sa isang himagsikang iniayos ng CNT, at noong 1935 natupad ng kanyang grupo de afinidad ang kanilang unang pagkamkam (expropriation) upang makalikom ng pondo para sa mga bilanggo.