Categories
Translations

Buhay na Walang Batas

Ang Buhay na Walang Batas” ay unang inilathala ng Strangers In a Tangled Wilderness bilang “Life Without Law: An Introduction to Anarchist Politics” noong 2013. Inisalin sa Tagalog ni Lahumbuwan.


Paunang Salita ng Tagasalin

Magalak kong pinasasalamatan ang aming mga kaibigan sa Strangers In a Tangled Wilderness na pumayag sa pagsasalin ng kanilang teksto. Nagpapasalamat din ako kay Magsalin at Butingtaon para sa kanilang oras at tulong.

Maari ninyong hanapin ang orihinal na teksto sa ingles sa website ng Strangers In a Tangled Wilderness mismo o sa Anarchist Library.


Introduksyon sa Pulitikang Anarkista

Nais ko ay kalayaan, ang karapatang ipahayag ang aking saloobin, ang karapatan nating lahat sa mga ginhawa at kagandahan.

Emma Goldman, 1931

Ang anarkista ay isang tao na tumatanggi sa pangingibabaw ng iisang tao o uri sa iba. Ang anarkismo ay isang malawak na termino para sa isang grupo ng pilosopiyang pulitikal na nakasalig sa ideya na maari tayong mamuhay bilang mga anarkista. Ang gusto naming mga anarkista ay isang mundong walang bansa, gobyerno, kapitalismo, rasismo, seksismo, diskriminasyon kontra-LGBTQ+… isang mundo kung wala ni isa sa pagka-rami-raming nagkaka-halo-halong mga sistema ng pangiibabaw na nagpapabigat sa mundo ngayon.