Categories
Pamphlets Republished Translations

Anarkismo

Sinulat ni Cindy Milstein. Salin sa wikang Filipino ni Victoria Garcia. Unang nailathala ni Revolt Magazine. Read this in English on The Anarchist Library.


Sa ugat nito, ang anarkismo ay isang espiritu—na umiiyak laban sa lahat ng mga mali sa kasalukuyang lipunan, at walang alinlangang ipinapahayag ang lahat ng mga pupwedeng isaayos sa ilalim ng mga alternatibong uri ng panlipunang kaayusan. Maraming magkakaiba ngunit magkakarugtong na pagtingin sa anarkismo, pero sa madaling sabi, ito ay bibigyang kahulugan bilang ang pakikibaka tungo sa isang “malayang lipunan ng mga malayang indibiduwal.” Ang katagang ito ay maaaring masabi na napakasimple. Nakapaloob dito ang parehong pagpapahiwatig ng kritikong multi-dimensyonal at isang mapagpalawig, maaaring sensitibong, pagbubuo ng panibagong pagtingin.

Categories
Pamphlets Translations

Ang Programang Anarkista

Sinulat ni Errico Malatesta noong 1920. Isinalin sa Tagalog ni Malaginoo. Pinasalamatan ni Malaginoo si Lahumbuwan sa kanilang tulong sa pagsasalin.


Paunang Salita ng Tagasalin

Isinulat ni Errico Malatesta ang polyetong Ang Programang Anarkista at ipinagtibay nito ng Unione Anarchica Italiana sa kongreso nila sa Bologna noong 1920. Hango ang pagsasaling ito mula sa Ingles na bersiyon ni Vernon Richards sa tekstong Errico Malatesta: His Life and Ideas na inilathala noong 1965 ng Freedom Press.

Categories
Republished Translations

Especifismo: Ang Anarkistang Pamamaraan sa Pagbuo ng mga Kilalang Samahan at Rebolusyonaryong Kilusan

Sinulat ni Adam Weaver at Tinagalog ng isang anonymous tagasalin. Inilathala ni Black Rose/Rosa Negra Anarchist Federation


Makasining na paglalarawan ng babaeng nakataas ang kamao at may lilang buhok. Unang nalathala sa “Northeastern Anarchist #11” noong Tagsibol (Spring) 2006, Ang Anarkistang Pamamaraan sa Pagbuo ng mga Kilalang Samahan at Rebolusyonaryong Kilusan ay naging pambungad na artikulo sa wikang ingles ukol sa koncepto ng especifismo. Bagamat maikli at limitado ang saklaw, ito ay naging pamantayang teksto na pambungad sa mga pagsasalin sa ibat ibang wika at ngayon ay ginagamit na ng mga samahang pampulitika sa Latin America. Ito ay batay sa mga nauna nang pagsasaling wika at pakikipagpalitan ng mga kuru kuro ni Pedro Rebeiro na isang anarkistang Brazilian-American, nguni’t nang simulan niya itong ilathala nagsimula na rin ang iba’t ibang uri ng pagsasaling wika nito na lalong nagpalalim, nagpaigting at nagpayaman sa pag-unawa sa especifismo. Kabilang na rito ang Federacion Anarkista Uruguaya’s 1972 theoretical piece na “Huerta Grande” at ang maraming kabanatang aklat na “ Social Anarchism and Organization” ng Federacao Anarquista do Rio de Janeiro (FARJ).

Categories
Translations

Anarkista Ka Ba? Alamin!

Isang pagtatangka sa pagsasalin ng “Are You An Anarchist? The Answer May Surprise You!” ni David Graeber sa Tagalog. Tinagalog ni Miyungs at i-edit ni Lahumbuwan.


Paunang Salita

Ang akdang ito ay isang adaptasyon o pag-aangkop sa wikang Tagalog ng orihinal na sulatin ni David Graeber na pinamagatang “Are You An Anarchist? The Answer May Surprise You!”

Categories
Original Writing Translations

Kontra sa Terror ng Anti-Terror

Isinulat, isinalin, at in-update ni Malaginoo mula sa orihinal.


Malapit nang ipakita ng pamahalaan ng Pilipinas ang kanyang mga tunay na kulay: isang institusyong diktaturyal at mapang-api, handang protektahan at pagsilbihan ang mga namumunong mayayaman at makapangyarihan. Bago pa dumating ang isyu ng lockdown at quarantine para tugunan ang krisis na dala ng COVID-19, abala ang gobyerno sa pag-update ng Human Security Act, ang batas, ang armas ng pamahalaan kontra sa terorismo. Matapos ang ilang linggo’t buwan ng pamumulitika, pagmamagaling, at pag-redtag, ibinunyag ng Kongreso ang Anti-Terror Bill ng 2020. ((See a report on the proposed law: Neil Arwin Mercado, “Longer warrantless detention among features of Lacson anti-terror bill.Philippine Daily Inquirer. October 02, 2019. https://newsinfo.inquirer.net/1172687/longer-warrantless-detention-among-features-of-lacson-anti-terror-bill))

Categories
Indokumento Republished

Panlipunang Rebolusyon ang Solusyon

Sinulat ni Bas Umali noong Oktubre 2011. Inilimbag noong Mayo 2020 ni Alimpuyo Press. (Read this in English.)

Inilathala namin ito sa Bandilang Itim para sa kahalagahan nito sa mga anarkisista sa kapuluan.


Ang pampulitikang ehersisyong nagaganap sa Wall Street sa Estados Unidos ay manipestasyon ng lalo pang lumalalang krisis ng kapitalismo, kung saan ang isang porsyento ng populasyon ng daigdig ang siyang may kontrol ng lakas-pagawa, likas-yaman, mga pasilidad at kasangkapan na dapat sana’y magpapaunlad at magpapayabong sa potensyalidad ng 99 porsyentong populasyon ng sa daigdig.

Categories
Anarki 2.0 Indokumento Republished

Ang Werpa ng mga Institusyon para sa Kontrol at Dominasyon

Sinulat ni Bas Umali at inilathala sa Anarki: Akin ang Buhay Ko 2.0 noong Disyembre 2017. Inilimbag ni Non-Collective (NC) at Onsite Infoshop.

Inilathala namin ito sa Bandilang Itim para sa kahalagahan nito sa mga anarkisista sa kapuluan.


Ayon sa diksyunaryong Cambridge ang kontrol ay: to order, limit, or rule something, or someone’s actions or behaviour. ((Cambridge English, “Meaning of control in English” https://dictionary.cambridge.org/dictionary/english/control ))

Ang kontrol ay ang sapilitang limitasyon ng kilos at mga gawain sa mga tao o hayup sa mga tukoy na lugar. Halimbawa: pagpigil sa pagpasok, pag-okupa, pag-ani o paggamit ng mga biyaya ng kalikasan.

Categories
Anarki 2.0 Indokumento Republished

Maikling komentaryo sa Dispalinhadong Pag-Unawa sa Ideya ng “Survival of the Fittest”

Sinulat ni Bas Umali at inilathala sa Anarki: Akin ang Buhay Ko 2.0 noong Disyembre 2017. Inilimbag ni Non-Collective (NC) at Onsite Infoshop.

Inilathala namin ito sa Bandilang Itim para sa kahalagahan nito sa mga anarkisista sa kapuluan.


Ang “survival of the fittest” na naunang ginamit ni Charles Darwin ay naabuso bunga ng maling pag-intindi at konteksto. Magbalik-tanaw tayo saglit para lang sa komon na pag-intindi sa ideya ni Darwin ng ebolusyon. Ayon kay Peter Kropotkin ang mga organismo ay dumaan sa mahabang proseso ng ebolusyon bago nakamit ang kanilang mga pisikal na kaanyuan at ang kanilang partikular na “sosyal na kaayusan” sa kasalukuyan. Halimbawa: kung ano man ang ating pisikal na katangian sa ngayon ito ay dahil sa dinaanang proseso ng pagbabago dulot ng kapaligiran at ng taglay din na kakayahan ng organismo na umangkop sa kanyang likas na paligid.

Categories
Anarki 2.0 Indokumento Republished

Ang Bawat Organismo ay may Puwang sa Daigdig Natin

Sinulat ni Bas Umali at inilathala sa Anarki: Akin ang Buhay Ko 2.0 noong Disyembre 2017. Inilimbag ni Non-Collective (NC) at Onsite Infoshop.

Inilathala namin ito sa Bandilang Itim para sa kahalagahan nito sa mga anarkisista sa kapuluan.


Ang anarkiya ay buhay na karanasan. Taliwas sa ibang ideolohiya at pampulitikang pananaw, ang anarkiya ay hindi inimbento. Ito ay iniluwal ng aktuwal na praktika ng tao. Kung may inimbento man sa anarkiya, walang iba kundi ang katawagang anarki. Subalit ang diwa ng salitang ito ay umusbong bunga ng pangangailangan ng tao na magtulungan upang patuloy na umiral ang buhay at masiguro ang susunod na salin-lahi.

Categories
Video

May Day Solidarity Statement by Palagnanol