Categories
Translations

Anarkismo: Ano Siya at Ano Hindi Siya

Ang akdang ito ay isinulat ni Joseph A. Labadie at muling nilimbag sa dandelion, vol 3, bl. 12, Tag-lamig 1979 sa isang “polyetong orihinal na inilathala ng Liberty Club of Detroit.” Inisalin ni Malaginoo.


Gusto mong sabihin sa’yo kung ano ba ang Anarkismo, ‘di ba? Kaya ko naman siyang tangkain, at sa simple kong paraan pa-intindihin sa iyo kahit papaano na hindi ito ang pinagsasabi ng mga walang-alam na mga kapitalistang pahayagan, sinungaling, hangal, at kontrabida.

Categories
Original Writing Pamphlets

Ang Minumultong Archipelago

Written by Isang Alipin.
Read this in Tagalog or English.


Note ng Author

Ito ay niwrite ko para bigyan liwanag sa egoism ni Max Stirner para sa mga individuals that live sa so-called “Philippines,” but puwede rin for any individual na interested kahit saan man sila nakatira. Para sa whoever na bumabasa nito: gusto kong iinform sayo na ito ay nagcocontain ng aking interpretation sa egoism ni Stirner at aking mga views at the time of writing; however, sana ang aking interpretation and views ay magamit niyo.

Categories
Original Writing Pamphlets

Ang Minumultong Kapuluan

Sinulat ni Isang Alipin.
Read in English or Taglish.


Tala ng may akda

Ito ay sinulat ko para bigyan liwanag sa egoismo ni Max Stirner para sa mga indibidwal na naninirahan sa tinatawag na “Pilipinas,” pero puwede rin para sa kahit sino mang indibidwal na interesado kahit saan man sila nakatira. Para sa kahit sinumang bumabasa nito: gusto kong ipaalam sayo na ito ay naglalaman ng aking interpretasyon sa egoismo ni Stirner at aking mga pananaw sa oras ng pagsusulat nito; gayunman, sana ang aking interpretasyon at pananaw ay iyong mapakinabangan.

Categories
Translations

Buhay na Walang Batas

Ang Buhay na Walang Batas” ay unang inilathala ng Strangers In a Tangled Wilderness bilang “Life Without Law: An Introduction to Anarchist Politics” noong 2013. Inisalin sa Tagalog ni Lahumbuwan.


Paunang Salita ng Tagasalin

Magalak kong pinasasalamatan ang aming mga kaibigan sa Strangers In a Tangled Wilderness na pumayag sa pagsasalin ng kanilang teksto. Nagpapasalamat din ako kay Magsalin at Butingtaon para sa kanilang oras at tulong.

Maari ninyong hanapin ang orihinal na teksto sa ingles sa website ng Strangers In a Tangled Wilderness mismo o sa Anarchist Library.


Introduksyon sa Pulitikang Anarkista

Nais ko ay kalayaan, ang karapatang ipahayag ang aking saloobin, ang karapatan nating lahat sa mga ginhawa at kagandahan.

Emma Goldman, 1931

Ang anarkista ay isang tao na tumatanggi sa pangingibabaw ng iisang tao o uri sa iba. Ang anarkismo ay isang malawak na termino para sa isang grupo ng pilosopiyang pulitikal na nakasalig sa ideya na maari tayong mamuhay bilang mga anarkista. Ang gusto naming mga anarkista ay isang mundong walang bansa, gobyerno, kapitalismo, rasismo, seksismo, diskriminasyon kontra-LGBTQ+… isang mundo kung wala ni isa sa pagka-rami-raming nagkaka-halo-halong mga sistema ng pangiibabaw na nagpapabigat sa mundo ngayon.

Categories
Original Writing

Sa Bisperas ng Mayo Uno

Sinulat ni Malaginoo.


Mahirap intindihin ang takbo ng oras kapag quarantine. Ramdam natin na ang kaganapang matagal na ang nakalipas ay para bang kahapon lang nangyari, kahapon lang o noong isang araw. Pero sariwa pa rin sa kalooban ang huling Mayo Uno, na para bang isang beses lang lumubog ang araw noong kalaunan. Kita naman natin kung bakit. Pareho ang mga problemang ating hinaharap. Pareho pa rin ang panunupil na pinupwersa sa atin. Ang mismong kawalan ng katarungan na ating sinasakdal sa mga may-kapangyarihan ay patuloy na lumalakas, na sinamahan pa ng isang krisis sa ating kalusugan.

Categories
Original Writing Translations

Paano Magsimula ng Bodegong Bayan/How to Start a Community Pantry

Isinulat ng mga abolisyonistang anonymous. 

I-download ang kasamang flyer! 


Tagalog: Paano Magsimula ng Bodegong Bayan

Dumarami na ang mga community pantry o bodegang bayan na nagpapatunay na handa tayong magtulungan dahil tayo-tayo na lang ang maaasahan natin. Ngayong araw, pag-uusapan natin kung paano simulan ito para sa inyo komunidad, na paraan para makahanap ng marami pang taong gustong baguhin at palaguin ang ating mundo.

Categories
Southeast Asia Statement Translations

Announcing a Southeast Asian Anarchist Library

The Southeast Asian Anarchist Library is the newest offering from The Anarchist Library which features multilingual anarchist literature from Southeast Asia or in Southeast Asian languages.

Visit the Southeast Asian Anarchist Library!

Categories
Translations

Bakit Bandilang Itim?

Isinalin mula sa “Why the Black Flag?” nasa Reinventing Anarchy, Again (1996) ni Howard J. Ehrlich, pp 31-32. Sinalin ni Simoun Magsalin.


Ang bandilang itim ay ang simbolo ng anarkiya. Pumupukaw nito ng iba’t-ibang mga damdamin tulad ng takot hanggang sa kasiyahan sa mga kinikilala ’to. Alamin natin kung ano ang ibig sabihin nito upang makita ’to sa higit pang mga pampublikong pagtitipon… Kontra sa lahat ng pamahalaan ang mga anarkista kasi naniniwala sila na ang malaya at mulat na kamalayan ng mga sarili ay ang pinakadakilang lakas ng mga pangkatan at ng mismong lipunan. Naniniwala ang mga anarkista sa pansariling responsibilidad at pagkukusa at sa buong-pusong pakikipagtulungan ng mga pangkatan na binubuo ng mga malayang indibidwal. Kabaligtaran ng mithiin ito ang pamahalaan, at umaasa ito sa malupit na puwersa at pandaraya upang padaliin ang pamamahalaan ng marami sa iilan lamang. Kung napatunayan ang itong malupit at mapanlinlang proseso sa mga gawa-gawang konsepto tulad ng dibinong karapatan ng mga hari, ang demokratikong halalan, o ang rebolusyonaryong pamahalaan ng mamamayan ay may kaunting pagkakaiba sa mga anarkista. Tinatanggihan namin ang buong konsepto ng pamahalaan mismo at iginigiit namin ang pag-asa sa kakayahang malutas ang problema ng mga malayang tao.

Categories
Republished Translations

Quico Sabaté: Anarkistang Gerilya

Sinulat ni Peter Gelderloos sa Ingles sa Twitter at inisalin ni Simoun Magsalin. Original text in English available after the Tagalog text. Pinasalamatan ni Simoun Magsalin sina Malaginoo, Lahumbuwan, at Butingaton sa kanilang komento sa dating draft nito.


Noong ika-lima ng Enero 1960, binaril ng mga pasista ang Katalanong na gerilyang anarkista si Quico Sabaté at sa wakas, siya’y namatay pagkatapos ng tatlumpung taon ng pakikipag-laban sa kapitalismo. Noong binatilyo pa siya, sumali siya sa Confederación Nacional del Trabajo (CNT—ang anarkistang bukluran ng mga manggagawa) para i-organisa ang kanyang pinagtatrabahuan (nagtrabaho siya bilang mekaniko sa ilang mga pabrika), at kasama ang kanyang mga kapatid, bunuosiya ng isang grupo de afinidad (affinity group) sa loob ng Federación Anarquista Ibérica (FAI—Iberianong Anarkistang Pederasyon). Noong Enero ng 1933, nakilahok siya sa isang himagsikang iniayos ng CNT, at noong 1935 natupad ng kanyang grupo de afinidad ang kanilang unang pagkamkam (expropriation) upang makalikom ng pondo para sa mga bilanggo.

Categories
Original Writing

Ang Anarkistang Koreano ng Rebolusyonaryong Shinmin

Sinulat ni Simoun Magsalin. Pinasalamatan ni Simoun Magsalin sina Malaginoo at Lahumbuwan sa kanilang komento sa dating draft nito.


Siguro naman alam ng mga anarkista sa Kanluran tungkol sa rebolusyon sa Catalonia at sa Ukraine. Pero mayroong din kami sa Asya ating sariling anarkistang rebolusyon: ang Rebolusyonaryong Shinmin sa Manchuria noong 1929 hanggang 1931.